"To the world you might be one person,
but to one person you might be the world"
The Fury of Humanity
"To the world you might be one person,
but to one person you might be the world"
May mga pangyayari talagang masyadong mabilis. Mga pangyayaring di natin napaghandaan. Di inaasahan. Kaya kung minsan huli na kung ang mga ito’y ating maramdaman.
Luksong baka, agaw-base, sipa, jack stone, langit-lupa, mataya-taya, taguan pung, bang-sak, chinese garter, piko, at tumbang preso. Sino nga bang makakalimot sa mga larong ‘to?
Malamang noong bata ka pa e nasubukan mo ring magtago sa loob ng drum para di makita, umakyat sa taas ng puno para di mataya, tumantya ng pagkagaling-galing para makapagpatumba ng lata o di kaya’y lumumpasay sa harap ng mga kalaro mo para lang isali ka nila.
Bukod sa mga ‘yan ay marami-rami din tayong naipong kwento noong kapanahunan pa ng pag lagalag natin sa mga kalye para makapaglaro. Simple lang ang buhay noon. Makahanap lang ng magandang pupwedeng pwestuhan e swak na ang maghapong papawis ng mga bata.
Problema lang noon ay kung paano ie-extend ang oras sa kalye at kung paano kukumbinsihin si inay na di pa tapos ang laro. Pati gutom di na nararamdaman dahil noon, walang batang di pagod ang gustong pumasok agad sa bahay… na medyo nabaliktad na yata sa ngayon.
Ngayon, bihira nalang akong makakita ng mga bata sa kalye na hapung-hapo sa katatakbo’t katatalon para lang hindi mataya ng kalaro. Madalang ko na ring maulinigan ang kalansing ng latang natamaan ng tsinelas na rambo. At minsanan nalang din ako makarinig ng mga mahiwagang orasyon kagaya ng “langit, lupa, impyerno, im-im-impyerno”, “ice wateeer, ice wateeer”, at “1-2-3, asawa ni Marie, walang panty!!”
Iba na ang mga kalye ngayon, bawas na ang mga batang pawisan sa kakahabol dahil balagoong. Wala na rin masyadong mga tambay sa playgrounds. Iba na ang mga larong pambata. At iba na rin ang saway ng mga magulang.
“Ikaw na bata ka, lagi ka nalang nandito sa loob! Aba’y lumabas ka naman at maglaro ng pagpawisan ka!”
"You don't have to be perfect for anyone,
it's someone that has to find you perfect as you are."
Under construction pa ang theme. Out muna! :)
"You can't bring back what you've already lost
so think about what you have now before it's gone."
(Source: henyonghumble)